
Wala naman talaga akong balak gawin sa’yo ‘to. Sadyang nagsawa lang ako sa set- up na pananakot mo sa’kin gabi- gabi. Napapadalas din ang pambababoy mo sa akin sa tuwing ako ay gagamit ng banyo. Noong una hinahayaan kitang bosohan ako. Pero ng tumagal ay hindi lang mata mo ang binibilad mo sa katawan ko. Natutunan mo na rin akong gapangin sa paa. Pati ‘yung kisame ginagamit mo sa kababuyan mo. Hahayaan ko pa bang pagsamantalahan mo ako?
Ikaw naman talaga ang nagsimula ng lahat eh. Ramdam kong mainit din ang dugo mo sa’kin. Parehas naman tayong nag- aalab ang dugo sa isa’t isa. Kung marunong ka nga lang rumespeto, hindi hahantong sa ganito ang lahat. Intiendo ko naman kung saan ako lulugar. Kung pwede nga lang kitang isumbong kay inay, ginawa ko na. Kaso alam kong pagtatawanan lang ako non. Mamaya sampalin pa ako at kutyain. Alam ko namang takot din sa iyo si Inay. Sino ba naman kami dito? ‘Di ba mga katulong mo lang. Tagasilbi ng pagkain mo! Wala nga pala kaming karapatang magreklamo. Nakikitira nga lang pala kami, hindi ba?
Kaya I came up with this idea. A very frantic idea… to kill you! Sa totoo lang pinag- isipan kong mabuti ‘to. Pero tao lang ako! Naghari ang panagbugho na patayin ka. Na iwaksi ka sa mundong ibabaw. Gusto ko lang naman talagang mawalan ng pangamba na nand’yan ka, nakabantay at tinitignan ang lahat ng kilos ko. Paano kung may sakit ako sa puso? Napatay mo na ko siguro ng wala sa oras. I have to kill you and I will kill you!
Una- unahan lang naman talaga dito. Kaya naman bago pa ko magkaroon ng sakit sa puso, I’ll take my plan into actions. Ayaan mo, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na patayin ka sa saksak. That will cause me much. For sure magkakalat ka ng dugo all over the place. And aside from that, mahihirapan akong linisin ‘yung crime scene. Syempre mas maganda kung walang kahit na anong ebidensya na magtuturo na ako ang pumatay sa’yo. At saka pagtitiyagaan ko pa bang maghasa ng kutsilyo for you? Kaya I wouldn’t use a knife, Hassle sobra.
A gun! No really. Maingay. Tapos if sumablay pa ko sa unang baril ko, kailangan ko pa ulit magpaputok. Mabigat pa, masakit sa kamay. More importantly, you’ll die instantly, walang thrill. It won’t make it worthwhile for me.
So what is it? Hindi s’ya Gas at Apoy even if naisip kong gamitin ‘yon for you. Masyado na kasing gamit ‘yun sa teleserye. Tapos parang masyado naman ng masama. I mean, pati pa ba ‘tong bahay idadamay ko? Kaya… Tentenenen! Poison! Yes my dear, lalasunin kita. Tutal mahilig kang kumain, it’s an advantage! Parang naiimagine ko na kung pano bubulang parang mga damit na nilalabahan ‘yang bibig mo. I will see to it that you will suffer an agonizing death.
Bukas na bukas, Ipe- prepare ko na ‘yung Cottage Cheese. I’ll put it in your favorite place which is the kitchen. And to you my friend, Goodbye! Makakalaya na rin ako ng maayos dito sa bahay mo! It will be mine! Peste ka kasing daga ka! Die! Die!